Saturday, March 01, 2003

Pramises

Pramises

Pramis ko sayo,
Susundin ko lahat ng demand mo,
Hindi ako pasasaway sayo
Kahit makulit akong bata,
Hindi kita bibigyan ng prublema

Pramis ko sayo,
Di kita lolokohin,
magiging sincere ako sayo
Di kita paiiyakin at sasaktan,
At hinding-hindi din kita iiwan

Pramis ko sayo
Hindi kita aawayin,
Pagpapasensyahan’t iintindihin kita,
Magiging open at honest ako,
Hindi din kita pababayaan

Lahat yan ok pag naging tayo
Kaya lang, sabi nila
Pramises are made to be broken
Totoo man o hindi, matupad ko man o hindi,
Ibubuhos ko lahat ng effort ko
Mapasaya ka lang, kahit alam kong taken ka na

Pramis ko sa sarili ko
Pipilitin ko nang kalimutan ka
Kaya lang, hindi ko natupad yon
‘di ko nakayanang kalimutan ka…
naubos nang effort ko gawin yon
kaso, ayaw pa rin talaga, pano mahal pa rin kita

No comments: