Wednesday, November 06, 2002

Paano?

Paano?

Ilang beses ko nang pinag-iisipan
kung paano kita makukuha
nag-iisip ng tamang tyempo
kung paano ko ‘to sasabihin sa’yo

bago ko matulog,habang naliligo
hanggang sa pagharap sa salamin
nag-iisip kung pano ko sasabihin
maging sa aking mga biyahe,mapa-kotse, bus man o jeep
yun at ‘yon pa rin ang iniisip

ginagawa ko na magparamdam sa txt
pero wala akong reply na natatanggap
binalak ko pa sa e-mail,
pero naisip ko na babaliwalain mo lang yon
kaya minabuti kong ‘wag nang ituloy

kayanin kaya ng powers ko
kung sabihin ko yon bigla sa’yo‘wag na lang,
dahil baka masaktan lang uli ako..
buti na lang dehins ko na tinuloy lahat yon
dahil nalaman ko din sa huli,
may nagmamay-ari na pala sayo…

-iyak na bata!