Monday, March 31, 2003

Dearniele

Dearniele

Natapos ang pasukan
Nang hindi tayo nag-uusap
Maraming pagkakataon ang nagdaan,
Marami ding oras ang lumipas,
Pero marami ding naging rason,
Kung ba’t ‘di mo ako dapat kausapin

Hindi ko gets kung anong prublema mo
Bakit hindi mo ako pinapansin
Basta alam ko, pinaramdam ko sayo
Na hindi na kita mahal
Simula nung naging magkaklase tayo

Tinago ko feelings ko
Kahit labag sa loob ko,
Pinilit ko na ring kalimutan ka
Kahit mahirap gawin
Dahil yon ang makakabuti sayo diba?

Kahit ilang buwan nang lumipas
Nung huli kitang inisip at inalala
Di ko man pansin, na-miss pa rin kita
Para ko tuloy niloloko sarili ko,
Pahirapan ang sariling magpanggap,
Kahit mahirap, para lang makalimutan ka

No comments: