nais kong makapiling ka maisayaw sa salin ng tugtuging bago nais kong makamasa ka kahit sadali lang, labag man sa loob ko
nais kitang makita hindi nananakit pero masaya nais kitang masilayan mga ngiting hindi ko malilimutan
nais kong mahawakan ang iyong mga kamay at sabihing ikaw ang nagbiagy pag-asa sa aking buhay nais kitang hagkan ng mahigpit na hindi na uubra pagkat ako'y nakapiit
nais kitang dalhin sa Bellini's kung saan ako ang gagastos ang lugar na pinangarap kong mapuntahan kapag kasama na ang pinakaimportanteng babae sa aking buhay
nais kong patunayan kung gano kita kamahal at handa akong talikuran ang lahat para lang bigyan ako na isa pang pagkakataong sumaya
nais kitang alagaan patulugin ka sa aking mga bisig, nais kong ipakita sa mga tao na swerte ka sa akin at mainggit sila dahil ikaw ang aking mahal
nais kong sabihin sayo ng harapan na ikaw ang pinakamahalagang babae sa aking buhay marami akong nais gawin at sabihin sayo isang araw at nais kong matapat ito sa aking kaarawan
nais kitang makasama sa pinaka-importanteng araw ng aking buhay nawa'y araw na ito'y mabigyan ng kulay ng taong matagal ko nang ipinagdarasal na ibigay
ako'y natatakot sa araw na iyon pagkat alam kong malabo malabong maging masaya ako sa kaarawan ko dahil alam kong ito'y magiging malungkot
kung ang tanging pagtatapos ko sa kolehiyo'y hindi naalala iyon pa kayang pinaka-importanteng araw sa aking buhay na hindi na rin naging importante sa akin mula ng ika'y mawala sa aking piling
makasama ka sa aking kaarawan ay isang biyaya na mula sa langit walang pakialam kung walang handa at party basta kasama ka, lahat magagawa
This book is called "Mga kalokohan nijuanchi".. first edition of my loser ass' life and stories.. junky poems and experiences...
Upon opening the book, you can see the word "MOMY POKO" and if you saw that, then this is the one i'm talking about. Enjoy the tears! Cheers!
-uy. diko pa ni-eedit 4years ago.