Monday, June 29, 2009

have myself the loneliest birthday of my life

Birthday wish

nais kong makapiling ka
maisayaw sa salin ng tugtuging bago
nais kong makamasa ka
kahit sadali lang, labag man sa loob ko

nais kitang makita
hindi nananakit pero masaya
nais kitang masilayan
mga ngiting hindi ko malilimutan

nais kong mahawakan ang iyong mga kamay
at sabihing ikaw ang nagbiagy pag-asa sa aking buhay
nais kitang hagkan ng mahigpit
na hindi na uubra pagkat ako'y nakapiit

nais kitang dalhin sa Bellini's
kung saan ako ang gagastos
ang lugar na pinangarap kong mapuntahan
kapag kasama na ang pinakaimportanteng babae sa aking buhay

nais kong patunayan
kung gano kita kamahal
at handa akong talikuran ang lahat
para lang bigyan ako na isa pang pagkakataong sumaya

nais kitang alagaan
patulugin ka sa aking mga bisig,
nais kong ipakita sa mga tao
na swerte ka sa akin at mainggit sila dahil ikaw ang aking mahal

nais kong sabihin sayo ng harapan
na ikaw ang pinakamahalagang babae sa aking buhay
marami akong nais gawin at sabihin sayo isang araw
at nais kong matapat ito sa aking kaarawan


Reveal The Remedy - Urbandub

No comments: