Monday, June 29, 2009

scrap

nais kitang makasama
sa pinaka-importanteng araw ng aking buhay
nawa'y araw na ito'y mabigyan ng kulay
ng taong matagal ko nang ipinagdarasal na ibigay

ako'y natatakot sa araw na iyon
pagkat alam kong malabo
malabong maging masaya ako sa kaarawan ko
dahil alam kong ito'y magiging malungkot

kung ang tanging pagtatapos ko sa kolehiyo'y hindi naalala
iyon pa kayang pinaka-importanteng araw sa aking buhay
na hindi na rin naging importante sa akin
mula ng ika'y mawala sa aking piling

makasama ka sa aking kaarawan
ay isang biyaya na mula sa langit
walang pakialam kung walang handa at party
basta kasama ka, lahat magagawa

No comments: