Wednesday, November 11, 2009

zapped!

testbooklet

masasabi mo pa ba?
na tayo'y okey pa?
dapat di na pagpilitan,
ang ating mga katwiran.

may magagawa kaya?
sa pagpatak ng luha,
bakit di magawang iwanan?
ang tinalikuran kong pintuan..

ngunit ramdam ko ang sakit,
ang ipinagkait ng langit!

kahit di na magpaalam,
alam kong ikaw ay lilisan,
pagkat di na kakayanin
na makita kang lumuluha

kahit di na magpaalam,
alam kong ikaw ay lilisan,
pagkat di na kakayanin
na ang lungkot at pighati
ay sukdulan na

masasabi ko na nga
na tapos na talaga
wag na nating ipagpilitan
ang mga kasinungalingan

mata ko'y ayaw umamin
na ito'y labag sa damdamin
ngunit dahil mahal kita
ikaw ay kusang pinalaya

ngunit ramdam ko ang sakit,
ang ipinagkait ng langit!

kahit di na magpaalam,
alam kong ikaw ay lilisan,
pagkat di na kakayanin
na makita kang lumuluha

------------and so much sure and very much damn sure that i'll not gonna be dead posting this. i should know. there's no one around right?

No comments: