Friday, April 24, 2009

E.P.

hindi ka naman singkit
ubod ka pa ng sungit
ika'y akin pa ring kinukulit
pagkat ako'y 'yong nabinggwit

hindi alam bakit
puso ko'y biglang nasungkit
na noon pa ma'y nakapikit
sa mga taong hindi singkit

alam kong ako't pangit
at ako'y amoy singit
sana malaman mong ako'y na-akit
ng 'yong kagandahang kay rikit

puso ko'y wasak at punit
parang papel na gula gulanit
pero kahit damdami'y ganito ka sakit
ako'y napapangiti mo ng abot langit

ayoko ng ipilit
umibig sa mga singkit
ako'y nanlalagkit
sa tuwing ika'y lumalapit
nararamdaman ko ang init
sa isip ko ika'y pirming naka-dikit

bibig ko, pangalan mo lagi binabanggit
maging sa panaginip, ikaw ang sinasambit
hindi ko talaga alam kung bakit
sana ikaw na ang mag-alis ng sakit
kahit hindi ka singkit
.........................................................................................

............para kay................

2 comments:

Anonymous said...

hindi mo na yun makikita kahit kelan. they come, they go.

tsi said...

sino? si mam dee? yung supervisor namin sa prod?alam ko naman na hindi pwede..i'm sure singkit ka because i don't have any idea sino ka para i-assume na para sa ex ko yung tula.

sbai nga ni Basya "evrything is not about you Popoy.."

PEACE.