Tuesday, March 09, 2004

Sabik

Sabik

Hindi makapaghintay
Ako’y sabik na sabik na
Inaabangan ang araw ng Miyerkules,
Ang araw na muli kang makikita

Minamadali ang lahat
Masigurado lang na masilayan ka
Pakiramdam ko ako’y lumilipad
Sa mga oras na nakikita ka

Mga galaw at ngiti
Hindi na lilimutin
Pagkat ito ang dahilan
Bakit ako sayo natuluyan

Sa twing nakikita ka
Hinihiling na wag na sana matapos ang palabas
Dahil ayokong maghintay na naman ng isang linggo
At magsakripisyo’t pagtitiisan titigan ang larawan mo

1 comment:

Anonymous said...

Your blog keeps getting better and better! Your older articles are not as good as newer ones you have a lot more creativity and originality now keep it up!