Friday, April 09, 2004

Friendster

Freindster

Matagal nang panahon
Na ikaw ay nilimot
Lumipas ang apat na taon
Na wala akong balita sayo

Nalimutan na nga talaga kita
Sa loob ng apat na taon wala na.
Tuluyan na kitang nalimutan
Nang hindi ko namamalayan

Akala ko hindi na talaga tayo magkikita
Wala nang paraan para pagtagpuin pa
Kahit sa telepono malabo..
Pero isang araw, biglang nag-iba ikot ng mundo

Chi-nek ko freindster ko
Namasyal sa friends ng highschool friend ko
Di inaasahan, ako’y nagulat
Nang makita kita sa friendster ni Sarah

Ako’y nabigla
Sa nakita ‘di makapaniwala
Invite kita
Maalala mo pa kaya?

-last poem na nagawa ko for book1,
mga kalokohan nijuanchi

Scar

Scar

May sugat ako
Masakit pa, kumikirot
Kase tinulak mo ko.
Sinasadya mo ba yon?
Natulak? O tinulak?

Nahulog ako, di mo ako sinalo.
Yan tuloy! Nadapa ako!
Agua oxinada, betadine at bulak,
Hindi mo manlang ako binilhan.
Gamot na pampagaling,
Ako lang lahat bumili

Ako gumamot sa sugat na ‘yong bigay
Nananadya ka ba?
Imbis na ako gumamot,
Iniwan mo akong nakalugmok.

Kailan kaya ito hihilom?
Kailan mawawala ang kirot?
Dugong tumagas dahil sayo

Sana sa pag galing
Hindi na sumakit
Sana walang maiwang marka
Sa sugat na iyong ginawa

Same Old Dreams

My Same Old Dreams

I can’t remember
How many cigars I’ve smoked
How many songs I’ve played and listened
Spending my time thinking ‘bout you

So weird that I dreamed I’m with you
Happy together doin’ just right
Letting the time pass by
Until the whole day ends up

Sleepover my crib nor yours
Close our eyes, open it the next day
Have you beside me
Day or night, look at the moon

Eat, get high together
I’d do everything for you
Just to let this all happen
Ai that my day dreaming would stop

I’m praying that one day
My time would come
That you would see me
Slowly let me be a part of you

Lutang

Lutang

Nananaginip ng gising
Nag-e-emote pag lasing
Ika’y na sa’king tabi
Nakikitagay, nakikiyosi

Sabay tayo umuwi
Pati sa pag tulog tayo’y magkatabi
Pinagmamasdan ang ‘yong pagpikit,
Hinihintay ang yakap mong mahigpit

Pag-gising sa umaga
Sabay mag a-almusal
Pagkatapos, magsusunog ng baga
Magkkwentuhan, magpapalipas oras

Sasapit ang gabi
Kinakausap ang mga bituin
Na sana maulit muli
Na ika’y makasama’t makapiling

Napaka sarap isipin
Kaya lang ako’y nananaginip ng gising
Kapiling ko dito ay yosing may sindi
Iniisip ka bawat hitit
Na nagbibigay ngiti sa ‘king mga labi